Magsasaka, Arestado sa Kasong Panggagahasa!

221

Hindi nakapalag sa mga alagad ng batas ang isang magsasaka matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa kasong panggagahasa sa Brgy. Rizal, San Guillermo, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, nakilala ang suspek na si Danny Matias, 57-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Rizal, San Guillermo, Isabela.

Pinangunahan ni P/MSgt. Marlon B. Onogon sa pamamagitan ng supervision ni P/Lt. George Dayag, OIC ng PNP San Guillermo ang pagsilbi ng warrant of arrest laban kay Matias na ipinalabas ni Hon Ariel Palce, Presiding Judge, Second Judicial Branch 40 ng Cauayan City, Isabela sa kasong rape o panggagahasa.


Posibleng habang buhay na mabibilanggo si Matias dahil walang kaukulang piyansa sa kanyang kinakaharap na kasong panggagahasa.

Ang akusado ay pansamantalang nasa piitan ng PNP San Guillermo para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments