MAGSASAKA, ARESTADO SA KASONG STATUTORY RAPE

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang magsasakang tinaguriang top 10 most wanted person regional level sa Purok 2 Brgy. San Vicente, Quirino, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jed”, magsasaka, nasa wastong edad, at residente ng nasabing probinsya.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong January 3, 2025 ng isang Presiding Judge, Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 23, Roxas, Isabela sa kasong Statutory Rape kung saan walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pag-iingat ng Quirini Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments