Magsasaka Arestado sa Nueva Ecija!

171

San Manuel, Isabela – Arestado ang isang magsasaka ng pinagsanib na puwersa ng PNP San Manuel at PNP Laur, Nueva Ecija sa kasong bigong pagpatay bandang alas 6:30AM kaninang umaga sa Brgy. Pinagbayanan, Laur, Nueva Ecija.

Kinilala ang akusado na si Ryan Gallema, 30 anyos, binata at residente ng District 1, San Manuel, Isabela.


Nadakip ang akusado sa pangunguna nina P/Cpt. Ronald S. Suyu, hepe ng PNP San Manuel at P/Cpt. Jonathan S. Romero, hepe ng PNP Laur matapos isilbi ang Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23 – Roxas, Isabela.

Inirekomenda ng korte ang pansamantalang kalayaan ni Gallema kung makakapaglagak ito ng piyansa na nagkakahalaga ng P72,000.00.

Sa ngayon ay naipasakamay na ang akusado sa PNP Laur para sa kaukulang dokumentasyon.

Facebook Comments