Magsasaka, Arestado sa Pag-aamok;Marijuana, Nasamsam

Cauayan City, Isabela- Mahaharap sa patung-patong na kaso ang isang lalaking nag-amok na nasa impluwensya ng nakalalasing na inumin sa Purok 7, Brgy Magrafil, Gonzaga, Cagayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Gonzaga, alas-tres ng hapon kahapon(May 11,2021) ng makatanggap sila ng tawag sa isang alyas Tino at inireport ang kanyang kapitbahay na armado umano ng baril at pinagbantaan din umano siya ng suspek.

Kinilala ang suspek na si alyas Berto, 36-anyos, isang magsasaka at armado ng isang airgun rifle.


Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) airgun rifle; isang (1) piraso ng live ammunition para sa cal. 40; at isang (1) pirasong silyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang dahon ng marijuana na may fruiting tops na nakalagay sa isang berdeng karton ng Wasabi.

Nagawa pang lumaban at nakipagtalo pa sa mga rumespondeng pulisya ang suspek.

May paglabag rin umano ang suspek sa umiiral na health protocol gaya ng hindi pagsusuot ng facemask.

Nasa pangangalaga ngayon ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments