MAGSASAKA, ARESTADO SA PAMUMUTOL NG PUNONG KAHOY

Nasakote ang isang magsasaka sa San Agustin, Isabela, matapos itong mahuli sa aktong pamumutol ng punong kahoy nitong ika-2 ng Nobyembre, taong kasalukuyan.

Ayon sa ulat ng pulisya, habang nagsasagawa ng anti-illegal logging operation ang San Agustin Police sa nasabing lugar, ay nakasalubong umano nila ang nasabing suspek habang nasa proseso ng pagputol ng puno ng G melina.

Nang hingan ang nasabing suspek ng kaniyang ‘permit to operate’ ay bigong makapagpakita ng suspek ng anumang dokumento, dahilan ng kaniyang pagkaka-aresto.

Nakumpiska mula sa pangangalaga ng suspek ang isang (1) unit na chainsaw.

Nasa kustodiya naman ngayon ng San Agustin Police Station ang nahuling suspek kasama ang nakumpiskang ebidensya para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9175 o Chain Saw Act of 2022 na siyang isasampa laban sa suspek.

Facebook Comments