Magsasaka, Arestado sa tangkang Pagsunog ng isang SUV

*Cauayan City, Isabela*- Dinakip ng mga operatiba ang isang magsasaka matapos isilbi ang mandamiento de aresto nito pasado alas dose kaninang tanghali sa Brgy. Purok 3, Brgy. Gen. Aguinaldo, Ramon, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Elmer Lucero, 55 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Ramon, inaresto si Lucero sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Rodrigo Pascua ng MCTC Ramon-San Isidro Second Judicial Region, Ramon, Isabela na may petsang Oktubre 25, 2019 para sa kaosng Attempted Arson sa ilalim ng criminal case no. 4788.


Agad na dinala sa Rural Health Unit ang akusado para sa kaukulang eksaminasyon bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments