LINGAYEN, PANGASINAN – Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ang iba’t-ibang agricultural and fishery inputs para sa mga lokal na magsasaka at mangingisda sa Narciso Ramos Sports and Civic Center (NRSCC) na pinangunahan ng Provincial Government at Provincial Agriculturist Dalisay Moya, at Assistant Provincial Agriculturist Nestor Batalla.
Ang proyektona ito ay may kabuuang pondo na P14.4 milyon na bahagi ng rehabilitation assistance sa ilalim ng Abig Pangasinan Program.
Samantala, binigyang pugay dito ang mga magsasaka dahil sa pagbuhay sa probinsya kung kaya’t siniguro na hindi nito pababayaan ang sektor ng agrikultura sa lalawigan. Dagdag ni Provincial Agriculturist Moya, nananatiling prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang agri-fishery sector
Ilan sa mga ipinamahagi ay ang 5,000 bags ng 20-kg certified palay seeds, 750 bags ng iba’t-ibang klase ng hybrid yellow corn, 60 knapsack sprayers, 140 gill nets, 20 fish shelters, 30 fish pots, 1,400 sets ng hook and line, 3 axial flow pumps, at mga vegetable seedlings para sa iba’t-ibang LGU, farmer at fisherfolk associations sa probinsya.###