Magsasaka binaril patay sa Arakan North Cotabato

Isang magsasaka ang namatay ng pagbabarilin sa Sitio Tinanan, Barangay Malibatuan sa bayan ng Arakan sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng umaga.
Kinilala ang nasawing biktima na si Michael Condes Locario, may asawa at residente sa nasabing lugar.
Maraming tama ng bala ang tumama sa katawan ng biktima na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan. Sa ngayon ay inaalam pa ng mga otoridad ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments