Magsasaka binaril patay sa Barira Maguindanao

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang pagtugis ng Pnp sa suspect na nasa likod ng pagbaril patay sa isang magsasaka sa sitio Kamis Barangay Marang sa bayan ng Barira Maguindanao kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Esmael Pelimon 22 res ng Sagasab Parang Maguindanao. Sa report ay sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima ng pagbabarilin ng 3 beses sa kanyang ulo ng hindi pa nakikilalang suspect na nagsanhi ng kanyang agarang kamatayan. Narekober sa crime scene ang 3 basyo ng cal 45 pistola. Matapos maisagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang suspect.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments