Magsasaka, Dinukot at Pinatay sa Isabela!

Cauayan City, Isabela- Patay na nang matagpuan ang isang magsasaka matapos itong dukutin ng mga armadong kalalakihan pasado alas 10:00 kagabi sa Brgy. Ballacayu, San Pablo, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, ganap na 9:50 kagabi nang magtungo sa himpilan ng pulisya si Nichelle Pavon, 26 anyos, agriculture technician, residente ng Brgy. Ballacayu upang ireport ang pagdukot sa kanyang ama na si Nehemias Beran ng apat na mga kalalakihan na nakasuot ng itim na bonet.

Isinakay aniya ng mga suspek ang kanyang ama sa puting L300 van patungong south direction.


Makalipas ang ilang oras ay nakatanggap ng tawag ang himpilan ng pulisya na mayroong nakitang nakahandusay na lalaki sa gilid ng daan na agad namang tinugunan ng mga pulis.

Nang makarating sa lugar ang mga otoridad ay nakumpirma at naabutang wala nang buhay si Nehemias.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang pagsisiyasat ng pulisya hinggil sa nangyaring insidente.

Facebook Comments