Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pag-aalay ng bulaklak sa tomb of the unknown soldier sa Libingan ng mga bayani para sa obserbasyon ng National Heroes Day.
Sa naturang seremonya, kinilala ni Pangulong Marcos ang kontribusyon ng unsung heroes sa pagpapaunlad at pagpapatatag ng bansa.
Partikular dito ang mga magsasaka, manggagawa na nagpapasigla ng ekonomiya, at mga gurong naghuhulma ng isipan ng mga kabataan.
Binigyang pugay rin ng Pangulo ang health workers na nagliligtas ng buhay at tumutugon sa pangangailangan ng publiko.
Inaalala rin ng Pangulo ang mga nakipaglaban para makamit ang kalayaang tinatamasa sa kasalukuyan.
Hinimok naman nito ang publiko na gawing inspirasyon ang ating mga ninuno sa pagsusulong ng Bagong Pilipinas.