Nauwi sa komosyon ang inuman ng isang ginang at magsasaka na kapwa residente ng Naguilian, La Union.
Batay sa paunang imbestigasyon, nag-iinuman ang biktima at ang suspek nang bigla umanong hinawakan ng suspek ang likurang bahagi (puwet) ng biktima.
Dahil dito, labis umanong nairita at nagalit ang biktima na dahilan ng komosyon.
Agad namang inireport ng anak ng biktima ang insidente.
Kalaunan, agad nag-usap ang magkabilang panig upang maresolba ang alitan na parehong nagkasundo na ayusin ang gulo sa maayos na paraan.
Gayunpaman, patuloy pa ring binabantayan ng mga awtoridad ang sitwasyon upang matiyak na hindi na ito mauulit at mauwi pa sa panibagong alitan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









