Magsasaka, Hinuli Dahil sa Kasong Pananakot!

Luna, Isabela – Arestado kaninang umaga ang isang magsasaka sa Luna, Isabela dahil sa matinding pananakot na naganap kamakailan.

Sa impormasyong ibinahagi ng Luna Police Station, kinilala ang akusado na si Richard Miranda, tatlumpu’t walong taong gulang, may asawa, isang mag-sasaka at residente ng Barangay Conception, Luna Isabela.

Ang pagkakahuli kay Miranda ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Anastacia Manalang Labog ng MCTC.


May nairekomendang labing dalawang libong piso na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Miranda.

Nasa kamay na ng Luna Police Station ang akusado para sa tamang disposisyon at dokumentasyon.

Facebook Comments