Magsasaka, Huli ng Makumpiskahan ng mga Bala at Baril

*Cauayan City, Isabela*- Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 ang isang magsasaka matapos makumpiskahan ng mga bala at baril ng isilbi ang search warrant laban dito sa Barangay Pinoma, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Rodolfo Daguio alyas “Chito”, 52 anyos, at residente sa nasabing lugar.

Inaresto ang suspek matapos ipalabas ni kagalang galang hukom Reymundo Aumentado ng RTC Cauayan City na nagresulta sa pagkakakumpiska ng ilang uri ng mga baril.


Nakuha mula kay Daguio ang isang (1) caliber 38 revolver na may tatlong bala, isang (1) Samurai Sword, at isang (1) unit ng airgun.

Nananatili sa kustodiya ng pulisya ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments