Magsasaka, Huli sa kasong Murder!

14

Cabagan, Isabela – Bagsak kulungan ang isang magsasaka na may kinakaharap na kasong murder matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito dakong alas tres ng hapon sa Centro, Cabagan, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Alberto Limbauan Espejo, singkwentay sais anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Bulinao, Sto. Tomas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Cabagan ang akusado sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong Murder.

Samantala walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Espejo na nasa tanggapan na ng BJMP Cabagan, Isabela.

Facebook Comments