Magsasaka, Inaresto dahil sa Kasong Pagpatay!

87

Cauayan City, Isabela- Arestado na ng mga otoridad ang isang magsasaka na Top 1 most wanted municipal level sa Brgy. San Pedro, Mallig, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Felipe Guillermo Jr, 55 anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. San Pedro, Mallig, Isabela.


Ito ay sa bisa ng kanyang mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bernabe B Mendoza, ng RTC branch 23, Roxas, Isabela dahil sa kasong murder o pagpatay.

Nasa himpilan ngayon ng PNP Mallig ang akusado at posibleng hindi na makalabas ng kulungan dahil walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments