Magsasaka, Inaresto sa Pag-iingat ng Baril at mga Bala!

103

Cauayan City, Isabela- Inaresto kagabi ang isang magsasaka matapos itong masamsaman ng mga bala at baril sa Brgy. Arellano, Quezon, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Daniel Baglao, 25 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Callangigan, Quezon, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), nakatanggap ng impormasyon ang himpilan ng PNP Quezon mula sa iang concerned citizen kaugnay sa nakitang lalaki sa harap ng isang videoke bar na may dalang baril.

Agad na tinugunan ng kapulisan ang naturang sumbong at nang makarating sa lugar ay kinompronta ang suspek at kusa namang isinuko ang kanyang baril at mga bala.

Nakuha sa pag-iingat nito ang isang improvised short firearm (12 gauge), tatlong bala ng 12 gauge, 25 bala ng 5.56mm, 9 bala ng 9mm, at dalawang bag.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang suspek at mga nakumpiskang baril at bala para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Facebook Comments