Magsasaka itinumba sa loob ng sabungan sa Magpet Norrh Cotabato

Isang lalaki ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa barangay Balite sa bayan ng Magpet sa lalawigan ng North Cotabato kahapon ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Bebs Nero Quino, nasa tamang edad at isang magsasaka sa nabanggit na lugar.
Nasa loob ng sabungan ang biktima ng lapitan at pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin. Tinangay din nila ang motorsiklo ng biktima sa kanilang pagtakas.
Blanko pa rin ang Magpet Pnp sa motibo ng pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments