MAGSASAKA MULA SA BAYAN NG ALICIA, NANGUNA SA 2024 CAGAYAN VALLEY RICE TOP-YIELDERS

CAUAYAN CITY- Itinanghal bilang nangungunang rice farmer-achiever ang isang magsasaka mula sa bayan ng Alicia, Isabela matapos makaani ng 14.07 metric tons per hectare sa wet season at 10.74 mt/ha sa dry season gamit ang hybrid rice.

Siya ay si Ginoong Martin, 43-anyos at residente ng Brgy. Callao, Alicia, Isabela.

Ayon kay Ginoong Martin, apat na taon pa lamang ito nagsasaka kung saan hindi niya inaasahan na makakamit niya ang ganitong ani kung saan ibinuhos niya ang kanyang oras sa pag-aalaga ng mga ito.


Ibinahagi rin nito ang iba’t-ibang estratehiya sa pag-aani kabilang na rito ang tamang pag-aabono, paggamit ng fungicide at fish amino acid at iba pang suplemento, pagsasagawa ng soil analysis, at paggamit ng dekalidad na binhi.

Kaugnay nito, pinarangalan rin ang iba pang mga natatanging top-yielders na magsasaka sa Lambak ng Cagayan katulad nina Felix Lagat na mula sa Diamantina, Cabatuan, Isabela at Jansen Duca ng Iguig, Cagayan.

Facebook Comments