Magsasaka na High Value Target, Huli sa Buy bust Operation

127

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang magsasaka na itinuturing na high value target matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Dagupan West, Tabuk City, Kalinga kahapon.

Kinilala ang suspek na si Reycon Acebes, 39 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Laya East, Tabuk City, Kalinga.


Ayon sa imbestigasyon ng Tabuk City Police Station, nahuli ang suspek matapos nitong mapagbentahan ang isang pulis na nagpanggap na poseur buyer sa halagang P1,000.00

Nakumpiska sa suspek ang pinatuyong dahon ng marijuana na nakabalot sa isang papel at iba pang drug paraphernalia.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2001.

Facebook Comments