Magsasaka na Kabilang sa Most Wanted Person sa Cauayan City, Arestado!

*Cauayan City, Isabela- *Natimbog ang isang magsasaka na Top 3 Most Wanted Person sa Lungsod ng Cauayan na kinilalang si Freddie Revilla, 47 anyos, at residente ng Brgy. Rogus, Cauayan City, Isabela.

Si Revilla ay nahaharap sa kasong Pagpatay kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Hinuli sa bisa ng mandamiento de aresto si Revilla na inihain ni judge Raul Babaran ng RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela.


Sa ngayon ay nasa himpilan na ng Cauayan City Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago iturn-over sa court of origin nito.

Facebook Comments