Magsasaka na Lasing sa San Agustin Isabela, Nagpasabog ng Granada!

San Agustin, Isabela – Nagpasabog ng granda ang isang lasing na magsasaka kahapon sa Barangay Quimalabasa Norte, San Agustin, Isabela.

Sa impormasyong ibinahagi ng San Agustin Police Station, kinilala ang suspek na si Joven Pascual, tatlumpu’t tatlong taong gulang, may asawa, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa imbestigasyon ng kapulisan, matapos umano ang inuman ng grupo ni Pascual na malapit sa bahay ng isang nagngangalang Elorde Cariaga, ay bigla na lamang umano inihagis ni Pascual ang granada sa layong sampung metro mula sa lugar ng kanilang pinag-inuman.


Maswerte naman na walang nasugatan sa nasabing pangyayari ngunit kaagad na inaresto si Pascual matapos na itinawag ng barangay kapitan sa himpilan ng pulisya ang nasabing pangyayari.

Facebook Comments