Magsasaka na may 2 counts ng Kasong Panggagahasa at 2 iba pa, Arestado

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 3 katao na itinuturing na Top Most Wanted Person sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad sa Probinsya ng Cagayan at Isabela.

Kinilala ang mga akusado na sina Ronald Anglion, 30-anyos, Top 1 Provincial Level, walang asawa, isnag magsasaka at residente ng Brgy. San Julian, Abulug, Cagayan.

Dinakip si Anglion matapos magpalabas ng warrant of arrest ang hukuman para sa 2 counts ng kasong Panggagahasa.


Maliban kay Anglion, inaresto din si Juan Aggarao, nasa tamang edad, Top 4 Provincial level para sa kasong Pagpatay at residente ng Brgy. San Roque, Enrile, Cagayan.

Sa Isabela, naaresto din si Nathaniel Purugganan, 45-anyos, Top 5 Municipal Level, isang magsasaka at residente ng Brgy. Muñoz sa Bayan ng Roxas.

Dinakip ito ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Theft o Pagnanakaw.

Pinuri naman ni Regional Director PBGen. Angelito Casimiro ng Police Regional Office No. 2 ang hanay ng kapulisan sa patuloy na pagdakip sa mga lumabag sa batas.

Facebook Comments