Magsasaka na may Kasong Pang-aabuso, Natimbog sa Bayan ng Jones

*Cauayan City, Isabela*- Arestado ang isang magsasaka na Wanted sa Batas matapos isilbi ng mga awtoridad ang mandamiento de aresto nito sa Brgy. Linomot, Jones, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Adelfo Leañno, 51 anyos, may asawa at residente sa nasabing lugar.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Jones, dinakip ang akusado na matapos magpalabas ng warrant of arrest si kagalang galang hukom Bonifacio Ong ng RTC Br. 24 Echague Isabela para sa kasong tatlong counts ng RA 7610.


Inirekomenda naman ng korte ang pansamantalang kalayaan nito kung makakapaglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P200,00.00 bawat kaso.

Nananatili sa pangangalaga ng kapulisan ang akusado upang harapin ang kaso laban dito.

Facebook Comments