Magsasaka na Nagtatago sa Kamay ng Batas, Natimbog Na!

*Benito Soliven, Isabela- *Nasa kamay na ng kapulisan ang isang lalaki na wanted sa batas matapos madakip bandang alas singko kaninang madaling araw sa Brgy. Nacalma, Benito Soliven, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Eusame Perez alayas Mariano, singkwentay singko anyos, may-asawa, isang magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Dinakip ng kapulisan si Perez sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17 Citry of Ilagan, Isabela dahil sa kaso nitong Frustrated Homicide.


Dinala na sa PNP Benito Soliven si Perez at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang pitumpu’t dalawang libong piso.

Facebook Comments