Magsasaka na Sangkot sa ‘Gun for Hire’, Arestado

178

*Cauayan City, Isabela*- Nasampahan na ng kaukulang kaso ang isang magsasaka matapos mapag alaman na sangkot sa gun for hire sa Brgy. Centro 2, Mallig, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Isagani Turqueza, 37 anyos, walang asawa at residente ng Brgy. Pasa, Ilagan City, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Mallig, dinakip ang suspek sa isang entrapment operation ng mga otoridad.

Narekober naman sa pag iingat ng suspek ang isang Colt MK IV caliber 45 na may kasamang mga bala at isang Granada.

Sa ngayon ay nasa kustodiya pa rin ng kapulisan ang suspek na nahaharap sa kasong RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments
From Advertisers