Magsasaka na Top 3 Most Wanted sa Echague, Isabela, Timbog!

Echague, Isabela – Bagsak na sa kulungan ang magsasaka na Top 3 Most Wanted sa bayan ng Echague matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito pasado alas onse kaninang umaga sa Brgy. Villa Fermin, Echague, Isabela.

Ang naaresto ay kinilalang si Artemio Sicam Ibasco, kwarentay dos anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, dinakip si Ibasco sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Bonifacio Ong ng RTC Branch 24, Echague, Isabela dahil sa kasong Homicide.


Nasa PNP Echague na ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at makakalaya lamang ito kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng P120,000.00.

Facebook Comments