Magsasaka na Top 6 Most Wanted Person, Arestado

48

Cauayan City, Isabela- Isinilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest laban sa Top 6 Most Wanted Person ng Lungsod ng Baguio matapos madakip bandang 11:30 kaninang umaga sa Brgy. Magabbangon, San Isidro, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang akusado na si Johnry Malicdan, 42-anyos, may asawa, isang magsasaka at residente ng Brgy. Bulanao, Tabuk City, Kalinga.


Dinakip si Malicdan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni kagalang-galang hukom Rufus Malecdan ng Presiding Judge, RTC, 1st Judicial Region, Branch 60, Baguio City para sa kasong Robbery.

Ikinostodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.

Tiniyak naman ng pulisya na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang paglaban kontra sa mga wanted sa batas sa kabila ng pandemya.

Facebook Comments