*Cauayan City, Isabela*- Iginiit ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan ang tulong pinansyal na natanggap ng mga apektadong magsasaka mula sa Department of Agriculture ay hiwalay na pondo noong nakaraang taon na ngayon lang naipamahagi sa mga ito.
Ayon kay City Mayor Bernard Dy, walang kinalaman ang sabay na pagbibigay ng DSWD ng Social Amelioration sa mga apektadong pamilya bunsod na umiiral na Enhanced Community Quarantine.
Kinumpirma din ng alkalde na hindi kasama ang P5,000 pondo ng Kagawaran ng Pagsasaka sa nakapaloob sa kakasabatas na ‘Bayanihan to Heal as One Act’ dahil ito ay regular na pondo ng ahensya para sa mga magsasaka na apektado ng mababang presyo ng palay dahil sa Rice Tarrification Law.
Giit pa ng opisyal na ang mga nakatanggap ng ayuda mula sa DA ay hindi nangangahulugahan na hindi na sila maaaring tumanggap ng ayuda sa ilalim ng Social Amelioration Program dahil posible pa rin silang mapabilang dito.