Magsasaka na Wanted sa Batas, Arestado!

71

San Guillermo, Isabela – Naaresto ang isang magsasaka kahapon ng umaga sa Barangay Guam, San Guillermo, Isabela dahil sa bisa ng warrant of arrest ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 .

Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Arturo Cacheco, hepe ng PNP San Guillermo na ang akusado ay si Herman Cinense, 35 taong gulang , may asawa, isang magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Ang warrant of arrest ay ipinalabas ni Hon. Raul V. Babaran, presiding judge ng RTC Branch 19 Cauayan City sa kasong paglabag sa RA 7610 o Anti Child Abuse Law kung saan ay may nairekomendang Php200,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ni Cinense.


Sa ngayon ay nasa himpilan na ng PNP San Guillermo si Cinense para sa karagdagang disposisyon.

Facebook Comments