Magsasaka na Wanted sa Batas, Arestado!

33

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng kapulisan ang isang magsasaka na wanted sa batas matapos itong maaresto sa Brgy. Alomanay, Palanan, Isabela.


Ganap na alas 10:00 kaninang umaga nang madakip ng mga otoridad ang akusado na si Lito Cabaldo, 38 anyos, walang asawa, at residente ng Brgy. Alomanay, Palanan, Isabela.

Si Cabaldo ay hinuli sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng RTC, Second Judicial Region Branch 16, City of Ilagan, Isabela dahil sa kinaharap na kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act.

Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapaglagak ng piyansang Php72,000.

Facebook Comments