Magsasaka na Wanted sa Batas, Natimbog!

*Burgos, Isabela- *Huli ng mga otoridad ang isang magsasaka na wanted sa batas matapos silbihan ng mandamiento de aresto na ipinalabas ng MTCC, Cauayan City, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Orlando Tuppil Sr., 29 anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. Catabban, Burgos, Isabela.

Ganap na alas syete ng gabi, Hunyo 7, 2019 nang dakpin ng mga otoridad si Tuppil sa Brgy. Catabban, Burgos, Isabela dahil sa kasong Estafa na may inirekomendang piyansa na P20,000,00.


Dinala na sa kustodiya ng Burgos Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin nito.

Facebook Comments