Magsasaka na Wanted sa Batas, Natimbog sa Sto. Tomas, Isabela!

72

*Santo Tomas, Isabela-* Natimbog na ng kapulisan ang lalaking wanted sa batas sa kasong Acts of Lasciviousness bandang ala una kaninang hapon, Hulyo 16, 2018 sa Brgy. Bulinao, Sto. Tomas, Isabela.

Kinilala ang magsasakang nadakip na si Joseph Salas, bente nuebe anyos, walang asawa at residente ng nasabing barangay.


Sa impormasyong nakuha ng RMN Cauayan, si Salas ay dinakip ng PNP Sto. Tomas sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Rogelio Anapi ng MCTC, Cabagan, Isabela noong Augusto 12, 2014 dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.

Nakapiit na sa Sto. Tomas Police Station si Salas at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang labing dalawang libong piso.

Facebook Comments