Magsasaka na Wanted sa Batas, Timbog sa Gamu, Isabela!

*Gamu, Isabela**- *Matagumapy na naaresto ng mga otoridad ang isang magsasaka na wanted sa batas matapos isilbi ang Warant of Arrest nito bandang alas nuebe y medya ngayong umaga sa Brgy. Lenzon, Gamu, Isabela.

Nakilala ang nadakip na si Jordan Mataverde, 22 anyos, may-asawa at nakatira sa nabanggit na lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, naaresto si Mataverde sa isinagawang manhunt operation ng PNP Gamu sa pangunguna ng hepe na si Police Senior Inspector Rey Canapi Lopez.


Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Angerico Ramirez ng 11th MCTC Gamu-Burgos, Gamu, Isabela dahil sa kasong Direct Assault at may inilaang piyansa na P36,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ni Mataverde.

Dinala na sa himpilan ng PNP Gamu ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments