Magsasaka, Naaktuhang Bumabatak ng Droga!

123

*Cauayan City, Isabela- *Natiklo ng mga otoridad ang isang magsasaka habang sumusundot ng ipinagbabawal na gamot sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Ranga-ayan, Angadanan, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Roland Aguilar, 52-anyos, magsasaka, may-asawa at residente sa naturang lugar.


Narekober sa kanyang pag-iingat ang isang pakete ng shabu, lighter, 2 alumin um foil at isa pang pakete ng nabuksang shabu na hawak nito.

Una rito, nakatakda sanang magsilbi ng warrant of arrest ang kapulisan sa isang pinsan nito na may kasong robbery with homicide na kanilang kapitbahay.

Subalit namataan ng pulisya si Aguilar nang sila’y mapadaan sa kanilang bintana at dito naaktuhan na bumabatak ng shabu ang suspek na may kasamang alak na nilalaklak.

Agad siyang hinuli ng mga pulis at nabatid na si Aguilar ay mayroon pang kinakarap na kasong Qualified theft o pagnanakaw ng panabong na manok sa bayan ng San Mateo, Isabela.

Sa eksklusibong panayam ng 98.5iFM Cauayan kay Aguilar ay aminado naman ito na gumagamit ng droga.

Dagdag dito, si Aguilar ay nagnanakaw umano upang mayroon itong pambili nang hihithiting droga.

Facebook Comments