Magsasaka, Nagbigti-Patay!

183

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang magsasaka matapos nitong kitilin ang sariling buhay sa Brgy. San Miguel, Burgos, Isabela.

Sa inisyal na impormasyong nakuha ng 98.5 iFM Cauayan, dakong alas 12:10 ng tanghali ngayong araw nang makita sa loob ng kanyang kwarto ang biktima na si Mario Heron, 39 anyos, may-asawa, at residente ng Brgy. San Miguel, Burgos, Isabela.


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nadiskubre ng kamag-anak ng biktima na si Gilbert Gaceta ang nakabitin na katawan ng biktima sa loob ng kanyang kwarto gamit ang isang lubid na itinali sa kanyang leeg.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ngayon ng mga otoridad kaugnay sa naturang pangyayari.

Facebook Comments