Magsasaka, Naglason, Patay!

*Cauayan City, Isabela- *Isang magsasaka ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pag-inom ng lason o insecticide sa kanyang sakahan sa Barangay Nuesa Matusalem, Roxas, Isabela.

Nakilala ang nagpakamatay na si Ronald Vicquerra, 52-anyos na residente ng Brgy. San Antonio, Roxas, Isabela.

Una rito, nag-arkila ng traysikel si Vicquerra patungo sa kanyang sakahan sa Barangay Nuesa Matusalem sa naturang bayan.


Sa inip ng drayber na umabot na ng anim na oras sa kahihintay ay sinundan niya si Vicquerra sa gitna ng bukid na halos 100 metro ang layo.

Bumungad kay Mark Dylan Nobleza, drayber ng traysikel na inarkila ni Vicquerra ang nakahandusay na katawan ng biktima na bumubula ang bibig na hinihinalang uminom ng insecticide na sanhi ng kanyang kamatayan.

Narekober ang pinagbasyuhang bote ng insecticide na pinaniwalaang ininum ni Vicquerra sa ilalim ng puno ng balete.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing pangyayari.

Facebook Comments