MAGSASAKA, NAHULIHAN NG HINIHINALANG SHABU AT BARIL SA ILOCOS SUR

Arestado ang isang lalaki sa ikinasang buy-bust operation ng awtoridad sa Candon City, Ilocos Sur.

Nakilala ang suspek na 51 anyos at residente sa nasabing lungsod.

Nakuha mula sa pagmamay-ari nito ang 0.2 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng PHP 1,360.00.

Narekober din mula rito ang isang caliber 38 revolver at anim na bala, at ilan pang non-drug evidence tulad ng boodle money, isang selpon, at motorsiklo.

Nasa kustodiya na ito ng pulisya at haharap sa kaukulang kaso. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments