Camp Marcelo A. Adduru, Tuguegarao City- Arestado ang isang lalaki matapos makumpiska mula sa kanyang pag-iingat ang malalakas na kalibre ng armas sa bayan ng Cabagan, Isabela kahapon, Marso 22, 2018.
Kinilala ang suspek na si Roy Bautista, 49 anyos, magsasaka at residente ng Casibarag sa naturang bayan.
Sa impormasyong natanggap ng RMN Cauayan News Team, natimbog umano si Bautista ng maraid ng pinagsanib puwersang CIDG, IPPO at PNP Cabagan sa kanyang bahay.
Samantala, narekober mula sa suspek ang 1 Glock 17 9mm pistol, 1 caliber 45, 1 Smith at Wesson 12 shotgun, 1 Carbine M1 Calibre 30, 1 hand grenade, 4 magazines ng 9mm pistol, 1 magazine ng Glock 9mm, 2 magazines ng carbine, 4 magazines ng calibre 45 na may 8 rounds capacity, 2 magazines ng calibre 45 na may 10 rounds capacity, 2 magazines ng M16 rifle, 101 piraso ng bala ng 9mm, 52 piraso ng bala ng calibre 45, 59 pirasong bala ng M16, 53 bala ng M1 garand, 17 piraso ng Calibre 357, sampung basyo ng calibre3 45, 1 basyo ng 357, isang kulay itim na bullet proof vest at isang camouflage na bullet proof.
Agad namang dinala ang suspek sa himpilan ng CIDG Isabela dala ang mga nakumpiskang armas para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Ayon kay Regional Director, PCSUPT. Jose Mario M. Espino, mainam umanong naaresto na ang suspek dahil ayon sa kanya ay mapanganib umano si Bautista base sa mga malalakas na armas na nakuha mula sa kanyang pag-iingat.
Panawagan naman ni PD Espino sa publiko ay agad umanong ipagbigay alam sa mga pulis kung may kahinahinalang indibidwal na gumagala sa bawat lokalidad.