Magsasaka, napatay ng lalaking hinampas niya raw ng kawali sa likod

185
REPRESENTATION IMAGE FROM PEXELS

Dead on the spot ang isang magsasaka sa Padre Burgos, Quezon matapos saksakin ng lalaking hinampas umano nito ng kawali habang natutulog.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Bernardito Lapitan, 35 anyos, residente ng Barangay Yawe sa naturang bayan.


Ayon sa imbestigasyon, nagpapahinga sa kaniyang bahay ang suspek na si Ramil Codilla nang biglang dumating ang umano’y lasing na biktima at hinampas ito ng paulit-ulit sa likod gamit ang kawali.

Bunsod nito, naalimpungatan ang salarin at nakipagtalo kay Lapitan. Ilang sandali pa, kumuha ng kutsilyo si Codilla at pinagsasaksak ang nakaalitang magsasaka.

Sumuko naman agad sa pulisya ang 45-anyos na salarin.

Facebook Comments