Magsasaka, Nasamsaman ng mga Bala at Baril!

*Cauayan City, Isabela- *Arestado ang isang magsasaka matapos na masamsaman ng mga bala at baril sa isinagawang search warrant operation ng mga otoridad sa barangay San Macario, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Alexander alyas Pedro Dupo, 47 anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng naturang lugar.

Pasado alas nuebe kagabi nang madakip si Dupo ng pinagsanib na pwersa ng CIDG RFU2-Isabela, RIU 2, RFU2, Provincial Intelligence Branch, SWAT IPPO at ng PNP Delfin Albano.


Ito’y matapos makuha sa kanyang pag-iingat ang isang itim na sling bag, walong (8) piraso ng bala ng Cal 45, isang unit ng armscor 12 gauge shotgun, limang (5) bala ng 12gauge shotgun, impoerial defense services LTD England at isang magazine ng Cal 45.

Dinala na sa tanggapan ng CIDG RFU2- Isabela ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments