MAGSASAKA, NASAWI SA BANGGAAN NG MOTORSIKLO AT KULONG-KULONG SA ROSALES

Isang lalaking sakay ng kulong-kulong ang nasawi matapos aksidenteng mabangga sa kahabaan ng National Road, Brgy. Tomana West, Rosales, Pangasinan noong Lunes, Enero 19, 2026.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, binabagtas ng isang kulong-kulong habang nasa likod naman nito ang motorsiklo sakay ang driver at isang backride.

Sa lugar ng insidente, lumiko umano ang kulong-kulong papuntang gasolinahan na sinubukan naman iwasan ng motorsiklo sa pag-overtake at paglipat ng linya, ngunit nabigo ito dahilan ng banggaan.

Sugatan ang lahat ng sangkot sa insidente at nadala sa pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival (DOA) ang driver ng kulong-kulong. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments