Magsasaka ng Tabako sa Burgos, Isabela Nakatanggap ng Ayuda

Burgos, Isabela tobacco farmers

Burgos, Isabela – Nakatanggap ng ayuda ang mga magsasakang nagtatanim ng tabako sa bayan ng Burgos, Isabela.

Ang naturang ayuda ay mula sa Tobacco Excise Tax na laan para sa ikaka-angat ng sakahan at kakayahan ng mga nagtatanim sa produktong ito.


Sa pagtungo mismo ng RMN Cauayan News sa naturang bayan ay nasaksihan ang pamimigay ng mga tseke sa pangunguna ni Mayor Kervin Francis Uy sa humigit kumulang na isang daan na mga tobacco farmers sa naturang bayan.

Ang mga magsasaka depende sa luwang ng kanilang tinatamnan ay nakatanggap ng limang libo hanggang sampung libong piso na financial aid.

Sa panayam ng RMN News kay Mayor Kervin Francis Uy, ang pamantayan ng financial assistance ay nakabase sa kada kuwadrado metro na tinatamnan ng tabako.

Pag mas mababa sa 5,000 kuwadrado metro ang tinatamnan ay limang libo ang ibibigay na ayuda, P 10, 000.00 naman kung mas mataas sa 5,000 hanggang 10, 000 kuwadrado metro habang kung halimbawang 11, 000 kuwadrado metro ay mayroong P11, 000.00 na financial assistance ang isang magsasaka.

Idinagdag pa niya na sa buong bayan ng Burgos ay 130 ektarya lang ang tinatamnan ng tabako at sinisikap nilang mangumbinsi pa ng nais magtanim ng tabako.

Sinabi pa na ang kita sa tabako ay mas mataas kumpara sa mais.

Ang tabako ay isang export product sa pamamagitan ng Universal Leaf Philippines Incorporfated(ULPI).

Facebook Comments