Magsasaka niratrat sa bahay ng kapatid patay sa Arakan North Cotabato

Isang magsasaka ang tumimbuwang ng pagbabarilin ng hindi na matukoy na suspek habang nasa sa loob ng bahay ng kanyang kapatid sa Sitio Pundok, Brgy. Tumanding sa bayan ng Arakan sa lalawigan ng North Cotabato.
Kinilala ang nasawing biktima na si Don Don Bartoloba, 38-anyos, may asawa at residente ng nabanggit na lugar. Nangyari ang pamamaril dakong alas 6:30 ng gabi nitong Sabado.
Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa kanyang ulo at leeg na nagsanhi ng agaran nitong kamatayan. Ayon pa sa report nasa silong ng bahay ang suspek at ipinasok ang dulo ng baril sa kawayang sahig at binaril ang biktima.
Mabilis namang tumakbo ang suspek matapos na maisakatuparan ang pamamaril. Hindi pa alam ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments