Magsasaka Partylist, nagsagawa ng special general assemly at victory party matapos ang naging desisyon ng Korte Suprema

Nagsagawa ng special general assembly at victory party ang Magsasaka Partylist na pinangunahan ni Atty. Argel Cabatbat, kasunod ng desisyon ng Korte Suprema, kungsaan sinabing nararapat lamang na alisin si Soliman Villamin Jr. bilang National Chairperson ng grupo.

Dumalo at nagpahayag ng suporta sa grupo sina dating kalihim ng Department of Agriculture (DA) at Tagapangulo ng Federation of Free Farmers na si Leonardo Montemayor at ang pinaka-bemedalled na bayani ng militar ng Pilipinas na si Ariel Querubin.

May kabuuang 7,996 na delegado mula sa Rehiyon 3 ang dumalo sa nasabing pagpupulong, na binubuo ng Nueva Ecija, Bataan, Zambales, Tarlac, Bulacan, Pampanga, Aurora.


Binigyang-diin ni Cabatbat na ang Magsasaka Partylist ay tunay na kumakatawan sa interes ng mga Pilipinong magsasaka at inilarawan na ang desisyon ng Korte Suprema bilang isang makabuluhang tagumpay, hindi lamang para sa grupo, kundi para sa mga Pilipinong magsasaka sa buong bansa.

“Ang may ari ng Magsasaka Partylist ay ang mga magsasaka. Kayo ang dapat masunod. Kayo ang dapat pakinggan. Nasa inyo ang desisyon kung sino ang gusto ninyong mamuno. Hindi tayo katulad ng ibang partylist na pagmamay ari ng iilan lamang,” aniya ni Cabatbat.

“Ang pagkapanalo sa Supreme Court ay pagkapanalo ng mga magsasaka, pagkapanalo ninyo,” dagdag pa niya.

Samantala, iginiit din ng mga magsasaka na dumalo sa general assembly na magkaroon ng council leaders election gaya ng ipinangako sa kanila noong Agosto 11 sa San Fernando, Pampanga.

Nauna rito, inilabas ng Korte Suprema ang desisyon nitong sinabing nararapat lamang na tinanggal sa kanyang posisyon bilang National Chairperson ng Magsasaka Partylist si Soliman Villamin Jr. at hindi maaaring maging kinatawan ng partylist ang kanyang unang nominado na si Roberto Gerard Nazal Jr.

“While the COMELEC has limited jurisdiction over intra-party leadership disputes, it does not mean that COMELEC can substitute its own judgment for that of the Party. The COMELEC cannot disregard the Party’s actions simply because these do not appear to be in line with the COMELEC’s interpretation of the party’s Saligang Batas.  A party must be allowed to interpret its own governing rules and remove officials from participating in its own affairs,” ayon sa desisyon ng Korte Suprema.

Noong 2021, pinatalsik si Villamin ng MAGSASAKA sa isang general assembly dahil sa pagkakasangkot ng kanyang pamilya sa mga maanomalyang aktibidad.

Facebook Comments