Magsasaka patay, 3 wounded sa pagsabog sa Shariff Aguak

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Shariff Aguak Municipal Police Station sa nangyaring pagsabog sa Brgy. Bialong pasado alas dyes ng gabi noong September 5 na nagresulta sa pagkakasawi ng isang 59 anyos na lalaki at pagkakasugat ng 3 iba pa.

Hindi pa rin batid kung anong explosive ang sumabog na ikinasawi ng biktimang si AbdulAzis Asim at ikinasugat ng maybahay nitong si Farida 49 at sina Saima Dido 55 anyos at Saiben Maulana 21 anyos.

Sinasabing aktong papapalis na kanilang lugar ang mga biktima bunsod sa tensyon dahil na rin sa presensya ng mga armado , ng mangyari ang insidente ayon pa sa naging panayam ng DXMY kay Police Inspector Abdin Arasa, hepe ng Shariff Aguak PNP.


Nilinaw naman ng PNP na bago pa man ang pangyayari , matagal ng nagbigay ng abiso ang military, pnp maging ang mga LGU Officials na lisanin ng mga sibilyan ang lugar dahil sa presensya ng mga armado at maaring magsagawa ng operasyon anu mang oras ang mga otoridad.

Kaugnay nito, patuloy ang panawagan ng mga otoridad sa publiko na makiisa sa kanilang kampanya para di na rin masundan pa na may madamay na iba pang residente.

Samantala , kasalukuyang inoobserbahan naman sa pagamutan ang dalawa sa mga naging wounded sa pagsabog.

Facebook Comments