Magsasaka, Patay matapos Mahulog sa Irigasyon

280

*Cauayan City, Isabela*- Patay ang isang magsasaka matapos aksidenteng bumagsak sa irrigation canal lulan ng kanyang motorsiklo pasado 3:00 ng hapon kanina sa Brgy. Lapaz, Cabatuan, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Poldo Elcano, 58 anyos, at residente ng Brgy. Nagrumbuan, Cauayan City, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng PNP Cabatuan, hinihinalang lango sa nakalalasing na inumin ang biktima at papauwi na sana ito sa kanilang bahay lulan ng kanyang itim na motorsiklo na may plakang 02010880273 at ng marating nito ang kahabaan ng tulay na sakop ng Lapaz-Pinoma ay aksidenteng nawalan ng kontrol sa manibela at agad na bumagsak sa irrigation canal kung saan nalunod ang biktima.

Agad namang isinugod sa pagamutan si Elcano ng mga rumespondeng recue team subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Muli namang nagpaalala ang pulisya na huwag ng balakin pang magmaneho ng kahit anong uri ng sasakyan kung nakainom.

Facebook Comments