MAGSASAKA, PATAY MATAPOS MALUNOD SA ILOG

Cauayan City – Binawian ng buhay ang isang magsasaka matapos nitong malunod sa ilog sa Brgy. San Pablo, Cauayan City, Isabela, kahapon ika-21 ng Agosto.

Sa nakuhang impormasyon ng IFM News Team sa Cauayan City Police Station,
bandang alas nuebe ng umaga kahapon ay nag-inuman umano ang biktimang si Ronald Manuel at ang apat pang kasama nito sa gilid ng ilog sa nabanggit na barangay.

Makalipas ang ilang sandali, naubos ng mga ito ilang bote ng alak kaya naman nagkayayaan na ang mga kasamahan nitong umuwi na ngunit nagpaiwan umano ang biktima sa lugar upang matulog.


Pagsapit ng hapon ay nagtungo ang anak ng biktima sa lugar upang sana pauwiin na ang kanyang ama ngunit hindi nito ito nakita sa lugar kaya naman kaagad itong humingi ng tulong sa kanilang mga kaanak.

Makalipas ang ilang oras, natagpuan rin ang katawan ng biktima ngunit sa kasamaang palad ay wala na itong buhay.

Facebook Comments