Magsasaka, Patay Matapos Pagbabarilin sa Quirino, Isabela!

5706

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang magsasaka matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Brgy. San Mateo, Quirino, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Joven Rivera, nasa hustong gulang, magsasaka, at residente ng Brgy. San Jose, Quirino, Isabela.


Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PCapt Rufo Figarola Jr, OIC ng PNP Quirino, dakong alas 1:50 kaninang madaling araw nang mangyari ang insidente na itinawag ng Barangay Kapitan sa kanilang himpilan na si Edwin Inere kaugnay sa natagpuang katawan ng biktima na nakahandusay sa pinangyarihan ng insidente at may tama ng bala ng baril.

Sa pagresponde ng kapulisan sa lugar ay nabatid na nagtamo ng tatlong (3) tama ng bala ng baril sa likod ng katawan ng biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ng insidente ang apat (4) na basyo ng Caliber 45.

Nasa isang punerarya na ang bangkay ng biktima habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa naturang krimen.

Facebook Comments