Magsasaka, Patay matapos Pagbabarilin sa San Guillermo, Isabela!

141

*San Guillermo, Isabela*- Patay ang isang magsasaka makaraang pagbabarilin ng hindi pa matukoy na mga salarin sa Brgy. Colorado, San Guillermo, Isabela, Huwebes ng hapon (June 13, 2019).

Kinilala ang nasawing biktima na si Alberto Gumallaui, 48 anyos habang kinilala naman ang angkas nito na si Lucas Pinao-an, 68 anyos na kapwa residente sa Brgy. Burgos, San Guillermo, Isabela.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan saPNP San Guillermo, sakay ng motorsiklo ang dalawang lalaki nang mangyari ang insidente habang nagpaputok ng dalawang beses ang mga suspek at dito tinamaan si Gumallaui.

Agad namang nilapitan ng isa sa mga suspek si Gumallaui at pinagbabaril ng makailang beses habang tumakbo naman ang angkas nito na si Pinao-An na agad namang tumungo sa bahay ng isang kapitan sa naturang lugar.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang kapulisan para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers